***** CARA ***** “s**t!” naimura ni Evo nang makita sila. Mabilis nitong itinulak si Eunice sa kandungan nito at biglang tayo. Hindi alam ang gagawin. Habang si Eunice na muntik na matumba sa center table ay hinagilap naman ang damit. Nagmamdaling isinuot ang bra. Pero hindi pa man niya nah-uhook iyon ay sinugod na ito ni Cara. “Walangya kang babae ka!” Hinablot ni Cara ang buhok ni Eunice at pinagsasabunutan. “Ahas ka! Traydor!” Walang naging kalaban-laban si Eunice dahil itinatakip nito ang bra niya sa dibdib nito. Napaupo na lang ito at nag-iiyak habang kinakalbo ito ni Cara. “Sige, upakan mo ‘yan, Cara!” cheer ni Rucia. “Kalbuhin mo!” pati man ni Jella. “Cara, stop it!” pero awat naman agad ni Evo sa asawa. At dahil nakitulong na rin si Doctor Lozada ay napaghiwalay nila sina Ca