***** EUNICE ***** “Alam ba ng doktor na iyon na may relasyon tayo?” tanong sa kanya si Evo dahilan para iwanan ng isip niya ang pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan na ilang araw pa lang ang lumilipas. Napakagat labi si Eunice. “Honestly, hindi ko alam if alam niya na ikaw. Pero nasabi ko na sa kanya na bago na akong boyfriend.” Tila dinaanan ng yelo ang buong katawan ni Evo sa narinig. “Bakit mo sinabi? Oh, God!” At saka parang kay bigat ng ulo nitong isinandal ang ulo sa headrest, groaned at the same time. “Hey, relax,” suyo niya rito. Naglalambing na inihilig niya ang ulo sa balikat nito pero agad ding umayos ng upo. “Kung ano man ang ikinababahala mo ay alisin mo ‘yan sa isip mo dahil sinisegurado ko sa’yo na wala tayong problema kay Sinn. I orchestrated our relationship. Hawak ko si