***** DOCTOR LOZADA ***** “Oh, s**t!” Biglang prino ang ginawa ni Doctor Lozada sa nakitang pagbulusok ng kotseng kinasasakyan nina Eunice at Cara. Naging letrang O ang kanyang bunganga at halos lumawa ang mga mata niya. Kinilabutan din siya nang husto. Ilang segundo na tila tumigil ang lahat sa kanyang pakiramdam. “Cara! Eunice!” pero saglit ay nanginginig na sigaw niya. Ni hindi niya agad nabuksan ang pinto ng kanyang sasakyan. At nang nabuksan naman niya at nagawang magtatakbo ay natisod pa siya sa sobrang pagmamadali. “Eunice!!!” takot na takot na hiyaw niya nang marating niya ang dulo ng bangin. At lalong anong sindak niya nang makita niya ang sumabit sa malaking puno na sasakyan sa ibaba ng hindi naman kalaliman na bangin. Buti na lamang. Natutop niya ang bunganga. Ilang segun