***** CARA ***** Ubos na ang mga nakilibing pero tila walang kabalak-balak si Cara na tumayo sa monobloc niyang kinauupuan. Kahit naka-shades siya ng itim ay halatang ang tingin niya ay diretso sa ngayon ay inaayos na ng sepulturero na puntod ni Eunice. Nasa kamay pa rin niya ang puting bulaklak na dapat ay ihuhulog kanina sa kabaong ni Eunice. Mula pa kasi kanina ay tulala siya sa kanyang kinauupuan at nirerespeto’t inuunawa naman siya ng ibang taong nakikilibing, lalo na ang pamilya ni Eunice. Si Evo na nakaupo rin sa kanyang likuran ay tahimik din. Hinihintay lang siya. Kasama nito kanina si Doctor Lozada pero napilitang maunang umalis dahil may pasyente raw ngayon na naghihintay ang binatang doktor. Habang sina Rucia at Jella ay pinili na lamang na ‘wag dumalo at baka raw kung ano
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books