***** CARA ***** DAHIL napasarap ulit ang tulog niya gawa ng pagtatapos ng unos nilang mag-asawa, gabi na nang magising si Cara. Alas syete na ng gabi. At sa pagkakatanda niya ay alas sais ng umaga siya nakatulog, it means she slept all day. Gayunman, sa unang pagkakataon, ay hindi na niya ginawang big deal iyon. Saka wala siyang dapat ipagtaka kung mas matagal ngayon ang naging tulog niya sapagkat ilang araw siyang hindi nakainom ng kanyang gamot na binigay sa kanya ni Doc Lozada. Sa kapabayaan niya ay talagang mas sasamantalahin ng kanyang sakit ang katawan niya. But at least may napala naman siya. Naipaglaban niya ang kanyang asawa. Nabawi niya si Evo sa babaeng malandi na iyon. Lumabas siya sa silid pagkatapos niyang ayusin ang sarili. Binalak niyang magluto dahil sure naman siya na