***** CARA ***** Mula sa pinto ay may ilang sandaling tahimik na pinagmamasdan lamang siya ni Doctor Lozada. Sa tabi naman ng kama niya ay tahimik na nakatayo si Nang Masing. The two was waiting for her to settle into tears. Kaninang pag-alis nina Evo at Eunice ay sumulpot agad si Doctor Lozada. Hindi naman talaga umalis ito kundi naghihintay lang sa labas ng private room ni Cara. “Hindi ko talaga maunawaan kung anong nangyari Cara,” ani Nang Masing nang sa wakas ay kumalma siya pag-iyak. Nagulat kasi kanina ang matanda nang pagbalik sa kuwartong kinaroroonan ni Cara ay malakas na si Cara na animo’y walang nangyari. Sisinghot-singhot na tiningnan muna ni Cara si Doctor Lozada. Nakamasid lang sa kanya ang binatang doktor. His face void of any expression. Pagkatapos ay ibinalik rin