***** CARA ***** Hirap or sa tamang salita ay ayaw sanang imulat ni Cara ang kanyang mga mata. Sa unang pagkakataon ay gusto niyang magpasaklolo sa kanyang sakit na narcolepsy. Hinihiling niya sana kainin ulit siya ng antok, dalhin ulit siya sa kawalan, dahil kahit ayaw man niya ay bumalik na naman sa ala-ala niya ang problemang dahilan kung bakit mas gusto na lang niyang matulog habangbuhay. “I don't want to wake up anymore,” bulong niya sa kanyang sarili. Kahit gising na ang diwa niya ay nanatili siyang nakapikit. Nga lang ay tumakas naman ang isang butil ng luha niya. “Mukhang sinusumpong si Cara ng sleep apnea.” Narinig niyang tinig ni Nang Masing. “Tatawagin ko si Doc Lozada,” boses naman ni Eunice. “Hon, labanan mo ‘yan. Please gumising ka na,” then the soothing voice of her