***** CARA ***** Kung ilang minuto na siyang nakatayo sa may bintana at nakatanaw sa labas ay hindi na alam ni Cara. Tinatanaw niya ang palubog nang araw kahit wala naman doon ang kanyang isipan. Kay seryoso ng kanyang mukha. Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata na wari ba’y lahat ng kanyang titingnan ay pwedeng mawalan ng buhay kung meron lamang sana siyang kapangyarihan. Mula iniwan siya nina Rucia, Nang Masing at Jella kanina, maraming minuto na ang lumipas, ay sinikap niyang makaisip ng magandang gagawin against Evo and Rucia. Ever since she has been calm sa lahat ng bagay. She’s accustomed to solving her problems calmly, kaya naman sinusubukan pa rin niyang maging kalmado pa rin kahit na napakahirap para sa kanya sa ngayon ang sitwasyong ito. Napakatinding pagsubok. Pumikit