***** CARA ***** SINALUBONG siya ni Rucia nang nakita siyang palabas na sa exit gate ng Sanchi Learning School. At kanyang iyong pinagpapasalamatan dahil segundo lamang ang pagitan ay ang pagkawala na ng lakas ng kanyang mga tuhod. Nanghina siya. She almost fainted. Hindi lang niya pinayagan dahil baka nasa paligid lamang si Eunice. Hindi siya puwedeng makita ni Eunice na hindi totoo ang katapangang ipanakita niya kanina sa loob sa conference room upang makapaghiganti rito. “Oh,” alalay sa kanya ni Rucia. Ito na ang naglagay sa braso niya sa mga balikat nito para tulungan siyang makalakad. Pero dahil nakita iyon ni guard ay tinulungan si Rucia para madala siya sa taxi. Mas naging madali para kay Rucia. “Dahan-dahan po,” sabi ni Rucia rito. “Salamat, manong,” at kahit nanghihina ay pas