***** CARA ***** “Cara, nandito na tayo,” yugyog ni Rucia sa kanyang balikat. Naalimpungatan naman siya sa mababaw na pagkakaidlip. “Salamat,” at aniya sa kasamang dalaga. Kanina ay binilinan talaga niya ito na kung sakali mang makaidlip or tuluyan siyang makatulog ay gisingin siya. Inilabot niya ang tingin sa paligid. At nang napagtanto niya na nasa Sanchi Learning School na nga sila ay inayos niya ang sarili. She made sure na kagalang-galang ulit ang dating niya, sopistikada tulad ng dati nang nagtuturo pa lang siya rito. Nag-retouch siya. Konting press ng kanyang compact powder sa kanyag mukha para maalis ang pagka-oily tapos ay konting dagdag sa mala-salmon na kulay ng kanyang frosted lipstick. “Ano bang gagawin natin kay Euncie rito, prend?” nagtatakang usisa ni Rucia. “I w