***** CARA ***** Para siyang sanggol na nagulat nang siya ay nagising. Saglit pa siyang nagtaka nang bakit nasa pintuan siya at kawawang nakaupo roon. Doon siya nakatulog? Pero bakit? “Evo, hayaan mo muna ang asawa mo. Sana maunawaan mo na hindi madaling tanggapin ang ginawa mo upang patawaarin ka niya agad,” boses ni Nang Masing sa likod ng pinto. Iyon ang nagpabalik sa kanyang isipan ang sitwasyon ngayon nila ni Evo. Kay bilis na nagtubig ang kanyang mga mata. Nais na naman niyang umiyak gawa ng mga tila nagdagsaang mga palaso na tumama sa kanyang dibdib, nga lang ay natatalo ang lungkot niya ng matinding galit niya. Sumakto pa na ang nasulyapan niya ay ang wedding picture nila ni Evo sa may ulunan ng kanilang kama. Noong lumipat sila pansamantala sa bahay na ito ay hindi sila n