***** RUCIA ***** NAKATANGGAP ng tawag si Rucia na pupuntahan daw siya nina Jella at Eyrna. Dahil sa bigla niyang pag-alis kagabi ay hindi raw mapakali ang dalawang gaga na makita siyang ayos lang ang kalagayan. At saka para makapag-bonding daw naman silang tatlo ulit na hindi sa bar. Kahit tinatamad ay pumayag siya. Ilang sandali pa’y nasa harap na ng ng gate ng bahay niya—ng bahay ng derstan niya pala -- ang taxing sinakyan ng mga kaibigan. Pinapasok niya ang mga ito. Hindi na nagtaka ang dalawa sa bagong tirahan niya dahil pangalawang beses na nilang nakapunta rito. Idineretso niya ang mga ito sa poolside ng bahay. Doon muna sila sa may gazebo dahil tirik pa ang araw. Alam niya na hindi pa magsi-swimming ang dalawa dahil mataas pa ang sikat ng araw. Napag-usapan na nila na hangga