***** RUCIA **** NANG mga sandaling iyon ay halos hindi makatulog si Rucia habang yakap-yakap niya ang bolster niyang unan. Her mind was pre-occupied with Evo Alfuente. Kahit na ganoon ang ending nang pakikisabay niya kanina kay Evo, na wala man lang ganap tapos muntik na yata siyang sungitan ni Cara, ay kinikilig pa rin siya. Hindi niya sukat kasi akalain na makakasakay siya sa kotse ng crush niya. Ang suplado niyon, eh. Sa kilig niya ay hindi niya na nagawang sagutin ang mga tawag sa kanya nina Jella at Eyrna. Alam na niya ang sasabihin ng dalawang kaibigan. Tatanungin lang naman siya kung saan siya nagpunta, kung bakit umuwi siya agad, at kung sino ang kasama niyang lalaki. Ayaw niya pa na ikwento sa dalawa niyang kaibigan si Evo at baka mausog. Saka na kapag may pag-asa na siya sa l