***** EVO *****
“GOOD evening, ‘nak.” Si Nang Masing ang sumalubong kay Evo nang dumating siya sa bahay. Gising pa rin ang matanda kahit na mag-a-alas-dose na ng gabi.
Evo’s rare smile touched his hard features. Ever since ay hindi kasi siya palangiti. “Asawa ko po?” pagkatapos ay tanong niya.
“Nasa kuwarto niyo na siya,” tugon ng matanda. Tumayo ito para asikasuhin siya. “Gusto mo bang kumain?”
He shook his head once, a quick. “Huwag na po. Kumain na ako sa office kanina. Eh, si Cara po? Did she eat well, nang?”
“Oo, ayos lang ang asawa mo. Saglit lang siya nakatulog kanina dahil ang kulit ni Rucia. Pero dahil kay Rucia ay napadami ng kain niya,” masayang sagot ni Nang Masing.
Sandaling nagsalubong ang mga kilay niya. “Sino pong Rucia?”
“Naku, nakalimutan mo agad si Rucia? Siya ang maganda at mabait na dalaga na nakatira riyan sa kapitbahay. Siya iyong tumulong sa akin noong sinumpong si Cara ng sakit niya no’ng isang araw.”
Tumango-tango si Evo. Naalala na niya. “Matulog na rin po kayo,” pero wika niya lang. He wasn’t interested in the woman so he cut off the conversation immediately. Humakbang na siya patungo sa silid nilang mag-asawa. Tuloy-tuloy siya ng pasok. He scanned the room dahil hindi niya nakita agad si Cara sa loob. Ang inasahan niyang makikita niyang nakahiga sa kama ang kanyang asawa habang nagbabasa ng libro or nagla-loptop tulad ng kinaugalian ay wala.
“Cara? Hon? I’m home. Where are you?” tawag niya sa asawa niya habang niluluwagan niya ang necktie niya. Pagkalapag niya sa credenza table ang messenger bag niya ay tinungo niya ang banyo ng kuwarto.
“Cara!” Anong silakbot nga lang niya nang nakita niyang tulog na nakaupo sa bowl si Cara. Nakasandig ang ulo nito sa tiles na wall at nakalaylay ang dalawang kamay nito na animo’y nawalan ng malay.
“Hon, wake up!” Kahit alam ni Evo na nakatulog lang ang asawa gawa ng sakit nito ay hindi pa rin niya magawang hindi mag-alala, lalo’t nangyari na ang malalang symptom ng narcolepsy na sakit nito noong isang araw.
“Hmmm…” ungol na ni Cara. Pupungas-pungas itong nagmulat ng mata. Nagtataka pa ang hitsura kung bakit sila nasa banyo.
“Thank God.” Nakahinga ng maluwag si Evo. He kissed his wife, just a quick pressure of his mouth on her.
“Sorry, hon. I made you worried again,” hinging-paumanhin ni Cara nang nahimigan nitong nadatnan ito ni Evo sa nakakatakot na namang sitwasyon.
“It’s okay, hon. It's normal for me to worry for you because you're my wife. Halika na.” Inalayayan ni Evo ang asawa na makatayo. “Wait, nagpa-check-up ka na ba kanina?”
“Hindi pa, hon. Bukas na lang,” tugon ni Cara.
Lumabas sila sa banyo.
“Sige…” Pinaupo ni Evo ang asawa sa gilid ng kama. “Do you want water? Or anything to drink?”
Kiming tumango si Cara. “Water na lang, hon.”
Isang haplos muna sa pisngi ni Carra at sweet na smile bago niya tinungo ang maliit na lamesang kinalalagyan ng tubig at gamot nito. “Uminom ka ba ng gamot mo?”
“Oo…” Napahimas sa kanyang batok si Cara. “Iyon nga ang ipinagtataka ko. Inom naman ako nang inom ng gamot ko pero parang lumalala naman ang pagiging antukin ko.”
Nagsasalin na ng tubig sa baso si Evo. “Hon, huwag kang mag-alangan sa mga gamot mo. Malaki ang naitutulong pa rin ng mga ito sa iyo kahit na wala namang saktong gamot pa ang sakit mo. Uminom ka pa rin at magtiwala.”
Hindi na umimik si Cara.
Dadalhin na sana ni Evo ang tubig sa asawa nang may umagaw sa kanyang pansin doon sa bukas na bintana. Bukas ang ilaw ng kuwarto sa kapitbahay at malinaw na kitang-kita niya ang babae roon na nakahiga. Higang nakakaakit dahil hubad. Panty lang yata ang saplot ng babae.
Lumapit siya roon at hinawi ang kurtina pasara. Nainis siya sa nakita imbes na maapektuhan. Parang walang pakialam sa sarili kasi ang babae. At kung hindi siya nagkakamali ay siya si Rucia.
“Hon, is there a problem?”
Nabahalang lumingon si Evo sa asawa. “Kaibigan mo na ba ang babaeng nakatira riyan sa kapitbahay?”
“Si Nanay Masing ang ka-close na niya,” hindi malinaw na sagot sa kanya.
Tumango-tango si Evo habang palapit siya sa asawa dala ang baso ng tubig. “Huwag kang makikipagkaibigan do’n.”
“Bakit naman?” Kinuha ni Cara ang baso sa kanya. Uminom.
“I don’t trust her, and I’m not comfortable when she’s here. Mukhang bad influence siya, eh. Kababaeng tao, walang pagpapahalaga sa sarili niya.”
Nabahala ang mukha ni Cara. Napatingin ito sa bintana. Naunawaan nito na may nakita roon si Evo, tulad nang nakita nito noong isang araw na ginagawa ni Rucia. Hindi na naman siguro nagsara ng bintana ang pasaway na dalaga.
“Anong nakita mo?” tanong ni Cara kay Evo.
“Wala. Basta huwag mong kakaibaganin iyon,” mariing pahayag ni Evo. Binawi niya ang baso sa asawa at ibinalik sa lamesa. “And don't open this window anymore, okay?”
Alangang tumango na lamang si Cara. “Oo na. By the way, kumain ka na ba?” at saka pag-ibaba na lamang ng usapan.
“Oo, sa office kanina. Shower lang ako, hon.” Tinungo na ni Evo ang banyo.
At doon na na-stop ang usapan nilang mag-asawa about kay Rucia. Pagkalabas kasi ni Evo sa banyo ay natulog na. Maaga raw na papasok sa opisina bukas dahil may inaasikaso silang bagong game na ilalabas sa publiko next month. Need daw pagtuonan ng pansin ni Evo at ang team nito dahil inaabangan na ng mga online gamer ang bagong laro. Trending na raw sa mga social media kahit hindi pa nailalabas.
Si Cara ang as usual na naiwanang gising na gising. Hindi na siya nakaramdam ng antok kahit anong pilit niya. Gusto niya sanang sabayan ng tulog ang asawa, sumiksik siya sa kili-kili ng asawa habang tulog, subalit ay parang nananadya talaga ang kanyang sakit. Ni hikab ay wala siyang maramdaman, hindi tulad kanina na bigla siyang tulog habang umiihi.
Wala siyang nagawa kundi ang bumangon at pumili ng librong babasahin sa kanyang study room na sadyang pinagawa ni Evo para sa kanya. Ngunit binukla-buklat lang niya dahil hindi naman siya makapag-concentrate sa pagbabasa. Iniisip niya si Rucia kung ano bang ginagawa ng babaeng iyon. Hiindi ba nahihiya? Alam ni Rucia na may lalaki rito sa kapitbahay niya pero ganoon pa rin na hindi nagsasara ng bintana. At saka sinabihan na niya iyon, eh. Hindi man lang nakinig. Buti na lang at matino si Evo.
Nagpakawala na naman siya ng malalim na buntong hininga. Siguro ay sasabihan na lang niya si Rucia ulit o kaya naman ay susundin na lang niya ang sinabi ni Evo na huwag na niyang bubuksan ang bintana. Sila na lang ang mag-a-adjust dahil mukhang sanay na si Rucia sa ganoong gawain. Ang walang pakialam sa ibang tao o tamang salita ay walang pakialam sa sarili.
*****************
***** CARA *****
KINABUKASAN, wala pang halos apat na oras na pagkakatulog ay nagising na si Evo.
“Kailangan ba talagang ganito ka kaaga papasok sa opisina?” usisa ni Cara habang inaayos niya ang susuuting business suit ng asawa.
“Ang dami kasi naming hahabulin, hon. Ayaw ko na pumalpak ang project na ito dahil ang daming umaasa sa game na iyon. Many gamers are already excited about the launch so we need to make sure there will be no problems that day. Ayoko na ma-disappoint ang mga gamer sa amin,” paliwanag ni Evo habang nagwiwisik ng pabango.
“Okay,” nalungkot na saad ni Cara. Hindi na naman niya mapigilan ang sarili na hindi makaramdam ng hiya sa kanyang asawa. Sobrang busy at halos kayod kalabaw na si Evo sa pagtatrabaho pero heto siya at patulog-tulog lang.
“Tuloy ba ang check-up mo ngayon? Masasamahan ka ba ni Eunice?”
Nang tumango siya ay nagpaalam na si Evo sa kanya. Inihatid niya ito hanggang sa gate ng bahay. Nagkape sila ni Nang Masing pagkatapos.
“Nang, pagsabihan mo naman si Rucia kapag nakausap mo,” pakiusap ni Cara nang naalala niya ang tungkol sa kanilang kapitbahay bago pa man siya biglang makatulog ulit.
“Bakit? Anong ginawa ng batang iyon?”
“Wala naman po pero lagi kasing nakabukas ang bintana niya at kung anu-ano ang nakikita naming mag-asawa,” aniya.
“Tulad ng ano?” nahihiwagang usisa ng matanda.
Malaswa man ay napilitang ikuwento ni Cara ang nakita.
“Ay, Diyos ko, batang ‘yon!” hindi makapaniwala na naibulalas ni Nang Masing.
Kikibot-kibot ang mga labing hinalu-halo niya ang kape. Ayaw na niyang dagdagan pa ang sinabi dahil ayaw naman niyang sirain si Rucia kay Nang Masing. Gusto lang niya ay mapagsabihan ang dalaga para hindi nakakailang sa kanilang magkakapitbahay, lalo na’t kahit lalaki si Evo ay napaka-konserbatibo.
“Sige, pagsasabihan ko iyon,” saglit ay wika ni Nang Masing.
Tipid na ngumiti na lamang si Cara. Tahimik na silang pinagpatuloy ang pagkakape.
Chinat ni Cara si Eunice. Tinanong niya if may time ang kanyang kaibigan ngayon. Magpapasama sana siya sa pagpapa-check-up. Hindi kasi puwede na magbyahe siyang mag-isa patungong private clinic ni Doctor Lozada. It's dangerous for her to drive for herself. At mas lalong mapanganib pa kung mag-isa siyang magku-commute. Napakadelikado na magbyahe siyang mag-isa at baka makatyempo siya ng driver ng taxi na halang ang kaluluwa kapag nakatulog siya bigla.
‘MAY KLASE AKO NOw, BESH. SORRY,’ nga lang ay reply ng kanyang kaibigan sa mensahe niya. May sad emoji pa sa dulo.
Nalungkot siya dahil si Eunice lang ang inaasahan niya sa ganitong sitwasyon. Ngayon niya nalalaman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kapatid. Ang hirap pala ng only child. Wala kang mahihilingan ng tulong. Pasalamat niya talaga at may best friend siya. Nga lang ay hindi naman niya puwedeng obligahin si Eunice sa mga ganitong pagkakataon dahil may sarili rin namang buhay ang kaibigan niyang iyon.
Ito ang kaibahan ng kaibigan at kapatid.
“Good morning,” patapos na sila nang biglang bungad ni Rucia.
Nagtataka na napatingin sina Cara at Nang Masing sa dalaga, Ngiting-ngiti ito. Ang damit ay kinulang na naman sa tela. Naka-short nang sobrang iksi ang dalaga at naka-tube lang sa pang-itaas.
Bagay naman sa sexy at flawless na katawan ni Rucia ang kasuotan nito pero sa tulad nila ni Nang Masing na conservative ay hind nila maiwasang hindi mapangiwi. Nagkatinginan sila ng makahulugan.
“Ano ba iyang suot mo na bata ka? Wala ka bang matinong damit?” Si Nang Masing ang pumansin sa dalaga.
“Bakit po? May mali po ba sa suot ko?” maang si Rucia. Tiningnan nito ang sarili. Parang first time nito na may pumuna sa suot nito.
“Sobrang iiksi. Kita na ang kaluluwa mo, oh,” anang matanda sabay iling-iling.
“Mainit kasi, nang,” katwiran naman ni Rucia. “’Di ba, prend?”
Napangiti lang si Cara nang tapunan siya ng tingin ng dalaga.
“Kahit na. Dapat pinapahalagahan mo ang sarili mo,” payo ni Nang Masing.
“Sige po, next time.” Clingy na niyakap ni Rucia ang matanda. KItang-kita rito ang paggalang at pagkagiliw nito kay Nang Masing na ikinatuwa naman ni Cara.
Sa isip-isip ni Cara ay at least kahit ganito si Rucia ay ang taas ng respeto nito sa matatanda. Hindi man halata panlabas na anyo nito ay mabait naman, lalo na sa tulad ni Nang Masing na may edad na.
Tumayo na si Cara nang sinimot na niya ang kape niya. “Nang, aalis pala ako. Papa-check-up ako.”
“May kasama ka ba?”
“Si Eunice po sana pero busy raw siya.”
“Naku, paano ‘yon? Hindi ba’t kailangang may kasama ka kapag nagbabyahe ka or may pupuntahan ka dahil delikado iyon kapag natyempong sumpungin ka ng sakit mo?” Rumihestro sa mukha ni Nang Masing ang pagtutol sa binabalak niyang pag-alis.
“Ay oo nga pala, baka bigla kang makatulog, prend. Delikado nga. Ang ganda at mukhang mayaman ka pa naman,” sumasang-ayon na sabad ni Rucia sa usapan.
“Hindi, okay lang ako. Iinom na lang ako ng gamot,” rason ni Cara. Pinakiramdam niya ang sarili at masasabi naman niyang wala pang senyales ng pagkaantok.
“Pero---“ aangal pa rin sana si Nang Masing.
“Alam ko na. Samahan na lang kita, prend. Wala namang akong lakad ngayon,” nang bigla ay presenta ni Rucia. Tinaas pa ang isang kamay na parang nagpapanatang makabayan.
Saglit na natuliro si Cara.……….