***** CARA ***** Pinilit ni Cara ang sarili na labasin si Zio nang sinabi ng kanyang mama na bisita niya ito ngayon. Naratnan niya ang binata doon sa likod ng bahay kausap ang papa niya na bida-bida na naman sa mga panabong na manok. Hindi muna niya inabala ang dalawa. Tahimik siyang umupo sa kubo-kubo na sadyang inilagay roon ng kanyang papa upang pahanginan kapag mainit ang panahon. Subalit hindi pa man siya nagtatagal sa panonood sa kanila ay naramdaman na ni Zio ang kanyang presensya. Nasa harap na niya agad ito. “Ang lungkot mo pa rin?” pansin agad nito sa pekeng ngiting iginawad niya rito. “Hayaan mo na lang ako,” she said meekly. Nakangiti ang mga labi, kabaliktaran sa mga mata niya na sobrang lungkot. Iyon yata ang nakikita ni Zio kaya hindi siya makapagsinungaling na ayos