Madilim na ng kumatok si Nathan sa silid nila, mula pa kasi kaninang makauwi sila sa bahay at magkulong siya sa silid nila ay hindi na siya lumabas pa ng silid. Nais lang niyang magkulong, mag-isip at magpahinga ramdam pa rin kasi niya ang sakit sa pagitan ng kanyang mga hita hanggang ngayon, hindi niya alam kung hanggang kailan niya mararamdaman ang sakit na dulot ng asawa sa kanya. Hinayaan lang niyang kumatok ang asawa sa pintuan, wala siyang balak pagbuksan ito habang nanatili siyang nakaupo sa kama hinihintay ang susunod na gagawin ng kanyang asawa na paniguradong gagamit na naman ng karahasan para makapasok ito. Maya-maya pa bigla na lang tumigil ang asawa sa pag katok. Sinulyapan niya ang pintuan at iniling ang ulo. Mukhang nag give up na agad ang asawa niya. "Give na siya agad,"

