"Ellie," tawag sa kanya ng asawa habang sakay siya ng kotse nito at pauwi na sa bahay nila. Namilit ang asawa na ihatid na sita pauwi dahil baka daw hindi niya makayang mag drive. Hindi na siya tumanggi pa dahil alam niyang mahihirapan siyang makapag focus sa pag da-drive dahil sa nangyari. Pansin niyang maingat ang pagmamaneho ng asawa na para bang ingat na ingat itong hindi madaan sa lubak para hindi siya masaktan. Hindi niya alam kung paano siya nakabangon at nakakilos matapos ang ginawa sa kanya ng asawa. Sobrang nanghihina siya at talaga namang nasaktan siya physically. Isama pang pakiramdam niya bukod sa physically abused siya at na abused din siya emotionally. Paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya ang asawa pero hindi na niya ito pinakinggan pa. Sinaktan na siya nito at panigu

