Ngumiti siya sa secretary ni Inigo nang makarating siya sa opisina ng kaibigan. Nginitian naman siya nito at saka na siya nagtuloy sa pagpasok. Kilala naman na siya ng secretary kaya hindi na kailangan itawag pa kay Inigo ang pagdating niya. Sadya siyang hindi pumasok ngayong araw dahil ramdam na ramdam niya ang pagod sa dami ng ganap kahapon sa buhay niya. Masyadong naguluhan ang isip niya sa mga nangyari sa kanila ni Nathan, lalo na sa part na naroon na nga sila at hindi pa tinuloy ng asawa niya ang pag angkin sa kanya di sana naipamukha na niya sa asawa na malinis siya at puro kasinungalingan lang ang lahat ng sinasabi ni Lexie rito. Sinadya na niya si Inigo dahil may sinabi ang asawa sa kanya kagabi about Inigo, at nais niyang makumpirma iyon, baka kase isa pang dahilan iyon kaya hin

