"Bakit hindi ka pa nakabihis? Wala ka bang pasok?" Agad niyang tanong kay Ellie nang madatnan ito sa komedor na naghahain ng pagkain. Napansin kasi niyang hindi pa ito nakabihis. Oras na rin at sa pagkakaalam niya may pasok ito sa university. "Masama ang pakiramdam ko, hindi na muna ako papasok ngayon,' tugon nito na hindi man siya sinusulyapan at patuloy sa ginagawang paghahain sa mesa. Humugot siya ng malalim na paghinga at nais itanong kung bakit hindi ito papasok pero pinigilan niya ang sarili. Hindi niya nais na masyadong nag-uusisa sa asawa at baka isipin pa nito na interesado siya rito, which is hindi naman. Although kinatuwa niya ang nangyari sa kanila kagabi nito, sa una lang naman kasi ang pagpalag nito, pero nang masarapan na ito nagbago na ang kilos nito, bagay na nagustuhan

