Nathan's POV "Pasensya na Hayden kung bigla akong napatawag sa iyo, may gusto lang akong itanong," saad niya sa kabilang linya nang sagutin ni Hayden ang tawag niya. Kailangan niya ng expert advice sa sitwasyon niya ngayon nasa San Miguel na si Ellie at nagkaharap na sila muli ng asawa. Isa lang ang masasabi niya sobrang ganda pa rin ng kanyang asawa, as in napakaganda pa rin nito. Dalawang taon itong nawala at mukhang hiyang nito sa Los Angeles dahil mas lalo itong gumanda lalo na ang kutis nito. Hindi nga niya napigilang mapatulala sa gandang taglay ng kanyang asawa. Pumasok pa sa isip niya na isa siyang malaking ta*nga para pakawalan ang isang katulad ni Ellie na walang ibang ginawa kundi mahalin siya at pagsilbihan siya bilang asawa. Ngayon naniniwala na siyang nasa huli ang pagsisi

