After two years; "Any plan tonight? Dapat lang na mag celebrate tayo dahil natapos na natin ang madugong finals, graduation na lang hihintayin natin,' masiglang saad sa kanya ni Cassey habang naglalakad sila ng kaibigan palabas ng campus. Kapwa Filipino niya si Cassey at nakilala niya ito nang makapasok siya sa university. Kaklase niya ito at nakasama rin niya sa trabaho. Si Cassey ang nagpasok sa kanya sa pizza parlor na pinagtatrabauhan niya na halos dalawang taon na mula nang makarating siya ng Los Angeles. Bukod sa Pizza parlor may iba pa silang pinapasukan ni Cassey na ibat-ibang trabaho para maka survive sa cost of living sa Los Angeles. Hindi naman kasi biro ang paninirahan sa ganitong klaseng lugar. Isang Filipina ang ina ni Cassey na nakapag asawa ng may edad na americano na s

