Nathan's POV "What? On going na ang annulment niyo ni Ellie?!' Bulalas na tanong sa kanya ni Hayden nang magkita sila ng kaibigan. Dahil hindi na sila magkaibigan ni Inigo at wala na siyang tiwala pa rito matapos ang ginawa nitong pang aahas sa asawa niya ay hindi na niya nais pang makausap ito o kahit makaharap man lang. Galit siya kay Inigo, as in galit, dahil sa dinami-rami ng babae sa mundo ang asawa pa niya ang nagustuhan nito. Narinig ang lahat ng sinabi ni Inigo sa asawa niya na handa itong maghintay sa pagbabalik ni Ellie, bagay na talagang gumulo ng husto sa isipan niya, dahil alam niyang sa pagbabalik ni Ellie paniguradong annulled na sila ng asawa at kapwa na sila malaya. Narinig din niya mula kay Inigo na tanggap niya si Ellie kung ano man ito, bagay na hindi niya nagawa no

