Kinausap muna niya si Inigo nang maayos bago sumama kay Nathan para walang gulo. Humingi siya ng paumanhin sa kaibigan sa biglang pagsulpot ni Nathan at panggugulo sa kanilang payapang pagkakape. Sakto kasi kaninang pagbalik niya ng penthouse pakatapos niyang umalis sa bahay ni Nathan nadatnan niya si Inigo sa may lobby ng hotel at hinihintay siya. Hindi na siya nakaiwas sa kaibigan kaya naman kinausap na niya, kahit ang nais niya ay magpahinga muna at wala muna ni isang kakausapin dahil sobrang gulo na ng kanyang isip. Sa gitna ng pag-uusap nila ni Inigo nakasingit ang panggugulo ni Nathan sa kanya. Nakatanggap siya ng hindi magandang email mula sa asawa, although hindi pa niya napanood ng buo ang video may idea na siya kung ano ang laman non at may idea na siya sa kung ano ang balak ng

