"This is my last source, para bumalik ka sa akin Ellie," bulong niya habang nakatitig sa monitor ng kanyang laptop at pinanonood ang napakagandang eksena nilang mag asawa sa sofa ng mismong opisina niya. Wala siyang balak i blackmail ang asawa, ni wala nga rin siyang balak ipaalam rito ang tungkol sa video nila, pero sa nangyayaring pagmamatigas ng asawa sa kanya para magka ayos sila ay gagamitin na niya ito bilang pang blackmail sa asawa para hindi na matuloy pa ang kanilang annulment at maayos na nila ang mga dapat ayusin. Kabado siya at hindi niya alam kung ano ang susunod na pwedeng mangyari habang hinihintay niyang ma send sa asawa ang files na tanging pag asa niya para magka ayos sila nito. Humugot siya ng malalim na paghinga matapos ma i send ang files at sinulyapan ang kanyang c

