Nathan's POV Matapos nilang mag dinner ni Ellie nagpa iwan siya sa ibaba para ipagpatuloy ang pag inom niya. Pakiramdam kasi niya kailangan niya ang alak para mamaya pag akyat niya makakatulog na siya agad at hindi na mahihirapan pa sa pagpipigil sa asawa. Wala naman siyang planong magpakalasing pampatulog lang naman lalo na't may trabaho pa siya bukas ng umaga. Nasa ikalawang baso na siya namg tumunog ang cellphone niya nang silipin ang Mama niya ang tumatawag kaya naman inayos muna niya ang sarili bago sinagot ang tawag nito na para bang makikita siya nito. "Ma," sagot niya sa tawag ng ina. "Nathan, hijo. kumusta na kayo ni Ellie?' Bungad na tanong ng Mama niya. Humugot siya ng malalim na paghinga. Hindi niya alam kung malulungkot ba siya para sa mga magulang niya dahil sobra ang ta

