Kinabukasan bago siya umuwi galing eskwelaan dumaan na muna siya sa mall para bumili ng damit na maisusuot mamaya. Nabanggit kasi ni Nathan sa kanya na tumawag ang Mama nito at inimbitahan silang mag dinner sa bahay ng mga ito, kaya naman nais niyang paghandaan ang pagpunta niya sa bahay ng mga magulang ng asawa, at nais rin niyang ibili ng regalo ang mga biyenan. As of now may sarili naman siyang pera pero binigyan na rin siya ni Nathan ng card na magagamit niya para sa mga gastusin sa bahay at sa personal niya. Pero sa ngayon gagamitin na lang muna niya ang kanya sariling pera dahil personal naman niya ang bibilhin. Hindi niya nais na may maisumbat pa sa kanya si Nathan sa ganitong bagay. Pumasok siya sa isang luxury brand na siyang madalas naman niyang bilhan ng kanyang mga dress. Na

