Wala siyang nagawa kundi bumalik ng San Miguel para ayusin ang annulment niya kay Nathan. Dahil sa ginawa ni Nathan hindi niya tuloy nagawa ang plano niyang pag build ng career sa Los Angeles at uuwi na lang sa bayan nila kung kailan niya gusto. Handa na rin sana siyang ipaalam sa parents niya kung nasaan siya once na matanggap siya sa trabaho at maging stable ang kanyang career, para at least matuwa ang mga ito sa kanya. Pero dahil sa biglaang pagbabago ni Nathan, kailangan niyang umuwi. Wala siyang idea kung ano ang pumasok sa isip ng kanyang asawa at tila umaatras na ito sa annulment nila, malaki na rin ang nagastos nito at malayo na ang inabot ng annulment nila na parang ilang buwan na lang ay kapwa na sila malaya ni Nathan, pero hindi natuloy. "Hayaan mo susunod ako sa iyo para naman

