"Ma'am Pasensya na po pero ayaw na po umandar ng taxi ko. Ok lang po ba kung maghintay na lang po kayo ng ibang taxi," nahihiyang saad sa kanya ng driver ng taxi na sinakyan niya. Ok naman ang sinabi nito sa kanya at iyon naman na ang balak niyang gawin, iyun nga lang hindi siya makalabas ng sasakyan dahil tiyak na makikita siya at makilala ni Nathan na nasa labas at mukhang nais nitong tulungan ang taxi driver. Hindi niya alam na may puso at malasakit naman pala ang asawa niya, o sadyang pagdating sa kanya iba ang ugaling pinapakita nito. Na para bang mabait ito sa lahat pwera lang sa kanya. "Pasensya na po talaga Ma'am. Minalas lang po at ngayon pa talaga tumirik kung kailan malapit na po tayo sa hotel,' patuloy pa ng driver sa kanya nang hindi siya kumikibo at pasulyap-sulyap sa labas

