Nathan's POV "Bakit biglaan yata ang pagtawag mo at gusto mo kong makita?" Tanong niya kay Hayden nang magkita sila ng kaibigan sa bar. Nagulat pa nga siya at sinadya siyang puntahan ng kaibigan sa bayan nila, may kalayuan din kasi ang San Miguel sa San Juan kung saan ito nakatira. "Gusto lang kitang kumustahin, matagal na rin kasi nang huli tayong nagkita at magkausap," tugon sa kanya ni Hayden habang hinihintay ang drinks na in order nila. "Ok naman ako, ganun pa rin tambak sa trabaho,' he said. Tumango-tango ito sa kanya. "May balita ka na ba sa asawa mo?' Tanong nito sa kanya. Medyo nagulat pa siya sa biglang pagtatanong ng kaibigan sa asawa niya. Noong huling magkausap kasi sila halos hindi na nila pinag-uusapan pa si Ellie, dahil iniiwasan na rin niyang mabanggit ang pangalan n

