Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan at dumating na ang araw na pinakahihintay niya ang kanyang graduation. Nangako si Inigo sa kanya na darating ito sa araw ng kanyang graduation at nangako rin ito na hindi ipapaalam sa pamilya niya kung nasaan siya, dahil ang nais niya ay uuwi na lang siya ng San Miguel pag handa na talaga siya. "Darating ba si Mr. Pogi ngayon?" Makahulugang tanong sa kanya ni Cassey nang nasa university na sila at naghihintay na lang ng pagsisimula ng kanilang graduation. "Sabi niya darating siya,' tugon niya sa kaibigan at nagplingon-lingon sa paligid para hanapin si Inigo. May tiwala siya kay Inigo alam niyang darating ito, pag nangko ito tinutupad nito. Bago umuwi pabalin ng San Miguel si Inigo kinuha nito ang contact number niya para matawagan siya nito. Nak

