Nathan's POV "May balita ka na ba kay Ellie?" Tanong ng Papa niya sa kanya matapos ang meeting nila at silang dalawa na lang ang naiwan sa meeting room. Hindi na siya nagulat pa sa tanong nito, dahil lagi naman nitong tinatanong kung may balita na siya kay Ellie. At iisa lang naman ang sagot niya rito. "Wala pa po, Papa," tugon niya sa ama. "Ano ka ba naman Nathan, dalawang taon na mula ng iwan ka ng asawa mo at wala ka man lang ginawa para mahanap siya at makipag ayos sa kanya!" Sita ng ama sa kanya na siya din lagi nitong sinasabi sa kanya. Sanay na sanay na siya sa mga ganitong pananalita ng ama sa kanya, pero ano bang magagawa niya kung ayaw na talaga sa kanya ni Ellie. Umuusad na rin ang annulment nila at malapit na iyung ma approved kaya pareho na silang malaya ni Ellie soon.

