"Hindi ba pupunta rito ang Mommy at Daddy mo para makasama mo sa graduation mo?" Tanong sa kanya ni Inigo nang magtungo sila sa isang coffee shop para doon mag kwentuhan at kumain na rin. "Nope," tugon niya sabay iling ng ulo. "Hindi naman nila alam kung nasaan ako. Ikaw pa lang ang may alam kung nasaan ako Inigo," saad niya rito. "Oh.. Oo nga pala. Kung hindi ko pa hinalughog ang buong mundo hindi pa kita makikita Ellie," nakangiting saad nito sa kanya. Ngumiti siya sa kaibigan at tinignan ito ng deretso sa mga mata. "Eh, bakit nga ba ang tiyaga mong hanapin ako Inigo?' Nakangiting tanong niya sa kaibigan sabay higop sa mainit niyang kape. "Well, honestly because I love you, Ellie," mabilis na tugon sa kanya ni Inigo na kinagulat niya. Muntik pa niyang mailuwa ang kapeng nahigop niya

