"Uy baka naman gusto mong mag kwento kung sino iyung gwapong guy kagabi sa bar," tukso sa kanya ni Cassey nang magkita sila ng kaibigan sa restaurant na pareho nilang pinapasukan. Weekend kaya wala silang pasok at todo kayod na naman siya para mas maipakita niya na kaya niya. Kinaya na nga niya ng dalawang taon na walang ano mang financial na tulong sa mga magulang niya. Alam kasi niyang bilang nakapag asawa na hindi na siya obligasyon pa ng kanyang mga magulang. At sa asawa naman niya, wala siyang tinanggap kahit singko mula sa asawa. "Wala iyon kaibigan ko lang iyon si Inigo," tugon niya at nagsimula ng maglinis sa may kusina ng restaurant. "Sus, sa gwapo niyang iyon wala lang at kaibigan lang! Hindi ako naniniwala gurl," Cassey said. "Bahala ka,' she said at akmang iiwan na ito at sa

