"Nathan may problema ba anak? Bakit ang daming mali sa proposal mo?" Tanong ng Papa niya matapos ang meeting nila sa malalaking kompanya at naiwan silang mag ama sa loob ng meeting room. Alam niyang halos mawala siya sa sarili niya kanina habang isinasagawa ang meeting sa mga bagong papasok sanang investors sa companya nila, pero baka dahil sa naging performance niya kanina ay baka wala ni isa silang makuhang investors. Aware siya na palpak ang lahat ng kanyang ginawa at mga sinabi sa harapan ng mga investors, nakita niya sa kanyang sarili na hindi siya iyon. Malayong-malayo ang sa totoong siya na may confident pagdating sa negosyo. Wala pa siyang meeting na hindi siya nag shine, laki siyang panalo kung may deal, at lago rin siya nakakakuha ng investors, pero kanina iba ang nangyari. At i

