Nathan's POV "Narinig mo na ang sagot ni Ellie! Umalis ka na rito Nathan!" Matapang na saad ni Inigo. "Huwag ka ng mag aksaya ng panahon rito Nathan!" Dagdag pa ni Inigo na tila nagmamalaki pa ngayon sa kanya dahil sa sinagot ni Ellie sa kanya. Gustong-gusto niyang sugurin si Inigo at bugbugin ito, pero hindi niya magawa dahil naka focus ang kanyang atensyon kay Ellie, na nakatayo sa harapan niya at nakatingin sa mga mata niya. "Sigurado ka na ba sa gusto mo Ellie?" He asked. "Pwede ba Nathan tama na ang-" "F*ck you! Inigo!" Malakas niyang mura kay Inigo para hindi na nito ituloy pa ang ano mang sasabihin nito. Panigurado naman na walang kwenta lang ang lalabas sa bibig nito. "Sh*t the f*ck up!" Galit niyang mura pa kay Inigo at tinapunan ito ng masamang tingin. Kung kaya lang puma

