“Lolo! Anong ibig sabihin nito? Bakit meron ka nito sa volt?” “Binasa mo ba ang dalawang sulat?” “No!” “Then read it, unahin mong basahin ang lumang papel baka sakaling malinawan yang utak mo kung bakit umalis si Camilla. Parang matutumba si Cain, ng mabasa ang iniwang sulat ni Camilla. Nag uunahan na tumulo ang kaniyang luha at nagsisikip ang dibdib na napaupo sa carpet. “Sino po ang mga nakakaalam nito?” “Ang iyong Ama, at madrasta, kaming tatlo ang pinakiusapan ni Camilla, bago pa siya dinala sa America. Kaya hindi ka pinayagan na makasama ng mga panahong iyon dahil sa kagustuhan niya.” “Anong kinalaman ni Moneth dito?” “Huwag kang magalit sa batang yon dahil ayaw niya talagang pumayag ngunit dahil kami na ng iyong Ama, ang kumausap sa kaniya kaya napapayag siya.” “Nasaan ang b