28 years ago, “Biatres, best friend sino ang lalaking yon? Ang gwapo niya gusto ko siyang makilala.” “May asawa na yon Vero, kaya wala ka ng chance.” “Wala akong pakialam kahit may asawa pa siya, basta ipakilala mo ako.” “Bahala ka sige mamaya, pagkatapos ng party.” Makalipas ang ilang oras ay nagmamadaling umalis ng bulwagan ang isang lalaki dahil tumawag ang asawa nito. Subalit isang babae ang humarang at lasing na lasing ito, kaya’t inalalayan kung saan pupunta. Ngunit pagdating nila sa isang pasilyo ay bigla na na lang huminto ang babae ay hinila nito ang kasama. “Maari mo ba akong ihatid? Please, kasi hindi ko makita ang driver ko.” “Saan ba ang bahay mo?” “Bakit ihahatid mo ba ako?” “Yeah, sure.” Pagdating nila sa sakyan ay naroon ang driver bodyguard at inlalayan ang babae