Kadarating lang ni Cain, galing sa ospital, at wala pa siyang tulog kaya’t dumiretso agad sa loob ng banyo para maligo. Gusto niyang ma-relax baka sakaling maging maayos ang kaniyang tulog. Dahil nitong mga huling araw ay lumalala ang kakaiba niyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag. Lately ay lagi siyang balisa at may biglang papasok na kung ano-ano sa bahagi ng kaniyang isipan. Subalit binabalewala niya ang mga iyon dahil para sa kaniya ay nonsense at walang kwenta ang mga yon kaya hindi dapat pag ukulan ng pansin. Ngunit napapadalas na at paulit ulit kaya nakakaramdam siya ng kakaibang takot. Subalit hindi pa man lang siya napipikit nang tawagin siya ng kaniyang abuelo. “Apo, can we talk?” “Sige po Lolo,” sumunod siya sa abuelo papasok sa library at pagdating doon ay inutusan na