Nagulat si Kuyang, nang biglang nagsalita si Cain sa kaniyang likuran, kasalukuyan siyang nasa palengke at nagbubuhat ng banye-banyerang isda. “Sino ang babaeng kasama mo three days ago?” “Girlfriend ko, bakit?” seryoso niyang sagot dito. “Sinong niloloko mo ha? Wala ka namang nobya….” “Aba! Naka monitor ka ba sa akin at alam mong wala akong girlfriend?” “Hindi naman sa ganon, pero hindi ka naman basta nagkagusto sa babae…” “Pwes! Nagkagusto na ako at may nobya na ako ngayon, anong problema doon?” “Hindi ako naniniwala! Impossible naman na agad agad?” “Anong kailangan mo at marami akong ginagawa!” sa halip ay tanong niya kay Cain. Hindi naman malaman ni Cain, kung anong isasagot sa kaibigan kaya’t sa halip ay na pa kamot na lang ng ulo na siyang alis naman nito at sa kawalang alam