Chapter 17 "Manong guard pakisabi kay Gabriel nandito na yung girlfriend niya" Napangiti naman agad ang guwardiya ng Hoffman mansyon dahil sa kanyang sinabi. Kakababa niya palang sa taxi at may bitbit siyang isang malaking paper bag. Dinamihan niya kasi ang tinola na inilagay niya sa isang malaking tupper ware. "Aba may nobya na pala si Sir?" "Oho at ako po yun" Proud niya pang pagkakasabi sa guard. "Osige ma'am tatawag lang ako sa loob." Sinimulan na nitong tumawag sa telephone at parang may kinausap ito roon Maya maya pa ibinaba na nito ang telephone "Papunta na si Sir Gabriel dito miss ganda" "Salamat po manong." Lalo tuloy gumanda ang mood niya. Mula pa kasi kaninang umaga ay napakasaya na niya. Sinagot lang naman siya ni Gabriel Hoffman! Tinanong lang naman niya ito ng pa