Chapter 18 (RAM POV) "Anong ginagawa mo dito Ram?" Sinipa ni Ram ang isang beer in can na nakakalat sa kwarto ni Kenjie. Pinuntahan niya kasi ang kuya Kenjie niya sa bahay nito upang ipaalam dito ang nangyayari sa kuya Gabriel niya. "You're wasted kuya. Ano nanaman nangyari sayo?" Hindi siya pinansin ni Kenjie at mukhang lasing na lasing na ito kahit ang tanghaling tapat palang. "Bakit ka ba nandito?" "I just want to say something. Nasan ang asawa mo?" Tanong niya kay Kenjie dahil ang gulo gulo ng bahay nito Tumawa lamang si Kenjie "Asawa ko? I don't have one" Natatawa nitong sagot sakanya "Damn it Kuya ang aga aga pa lasing kana--" "She left me" Natigilan si Ram sa pag papagalit kay Kenjie dahil bigla nalang itong yumuko at unti unting umiyak "W-What happened kuya?" "I-I