Chapter 23 "Anak ano bang nangyayare sayo bakit di ka mapakali diyan?" Napahinto si Alime sa paglakad pabalik balik sa living room ng kanilang hotel. Napansin ng kanyang tatay ang kanyang pagiging problemado. "M-May iniisip lang ako tay.." "Anong iniisip mo nak? Parang mabigat yang problema mo?" Napabuntong hininga siya. Inis na inis kasi siya sa nangyare sakanila kaninang umaga ni Gabriel. Nahuli kasi sila ng mama nito na may ginagawang milagro sa private office nito. Ngunit ang pinaka-naging problema niya ay ang kasama ng mama nito. Flashback earlier... "Mom" Binuksan ni Gabriel ang pinto ng private office nito at bumungad agad doon ang napakaganda nitong ina. Matanda na ito ngunit mapustura. Nagtatago lang si Alime sa likuran ni Gabriel dahil nahihiya siya sa mama ni Gabriel.