Chapter 22 "Ano nanaman ginagawa mo dito?" Pina-ikot ni Alime ang kanyang mga mata dahil sa tanong ni Kyle. Kakarating niya lang sa opisina ni Gabriel at isosorpresa niya ito sa kanyang pagdalaw. Naging busy kasi ito ng dalawang araw dahil tambak ang trabaho at meetings nito. "Paki-alam mo?" Pagsusungit niya kay Kyle "Busy si Sir hindi ka pwedeng mangulit ngayon--" "Saglit ko lang dadalawin yung boyfriend ko" Sumingkit ang mga mata nito na para bang inis na inis sa kanyang sinabi "Sorry to tell you hindi kita pwedeng papasukin" Humarang ito sa dadaanan niya. Tinitigan niya tuloy ang mukha nito. Noon gwapong gwapo na siya kay Kyle halos ikabaliw niya ang pag ibig niya noon para dito. Ngunit ngayon habang tinititigan niya ito ay wala na siyang maramdaman kahit kaunti. Walang wala i