Chapter 14 Hindi makatulog si Alime habang katabi niya sa kamang iyon si Gabriel Hoffman. Maluwang pa ng kaunti ang kama para sakanilang dalawa dahil halos nasa gilid na ito nakahiga at nakatalikod pa sakanya Nilagyan niya ng unan sa pagitan nila upang hindi siya sapian ng espirito ng kalandian. Ngunit heto siya ngayon at hindi parin makatulog. Tinignan niya ang nakasabit na orasan sa gilid ng pader. Mag-aalas dose na nga hating gabi. Hindi siya gumagalaw sa kanyang pagkakahiga dahil ayaw niyang isipin ni Gabriel na gising pa siya. Nagpapagap nalang siyang natutulog na rin. Ngunit gising na gising parin talaga ang diwa at katawang lupa niya. Naramdaman niyang kumaluskos ito kaya naman pumikit siya. Pinapakiramdaman niya ang kilos ni Gabriel. Umupo ito sa kama at napabuntong hinin