Chapter 13 "This is your room Mr.Hoffman" Binuksan ng isang pulis ang isang kwarto sa pinakadulong bahagi ng mansyon ni General deluna. Hindi naman natatakot si Alime dahil kasama naman niya si Gabriel. Kahit mukhang hunted house na ang mansyon na iyon Maganda ang bakanteng kwarto at mukhang malinis. "Thanks" Pasasalamat ni Gabriel sa pulis na nag asikaso sakanila. Mga tauhan ito ni general. "Welcome Sir. Karangalan ko pong paglingkuran kayo." Ngumiti lang ng tipid si Gabriel. Napapatingin naman sa kanyang magandang mukha ang pulis at hindi nito maiwasan humanga sa taglay niyang kagandahan. Lalo pa ngayon na simpleng simple lamang ang kanyang mukha. Mas nangingibabaw ang tunay niyang ganda. "Anything else?" Kunot nuong tanong ni Gabriel sa pulis ng mapansin nitong tinititigan