Chapter 40 Natigil ang pag pihit ni Alime sa doorknob ng kanilang pintuan ng marinig niya ang boses ng kanyang tatay "Saan ka pupunta anak? Gabi na ah" Napahawak tuloy siya sa kanyang dibdib dahil nagulat siya sa kanyang tatay. Nasa sofa pala ito at hindi niya ito napansin kanina dahil patay na ang kanilang mga ilaw "Tinakot mo naman ako tay! Anong ginagawa mo diyan tay?" Balik tanong niya sa kanyang tatay Natawa ang kanyang tatay "Para kang batang tatakas sa gabi anak. Hindi mo tuloy ako nakita" Napangiwi tuloy siya. Halatang halata palang tatakas siya "M-May bibilhin lang ako saglit tay. Pakitignan po si Gabriela baka sakaling magising tay. Saglit lang po ako" "Saan ka ba pupunta anak? Malakas pa ang ulan sa labas--" "Diyan lang ako tay sa 7-7'11" Palusot niya. Ngunit ang totoo