Chapter 39 "Mukhang masaya ka Alime.." Pansin ng kanyang tatay pag uwi niya noong hapon na iyon. Hindi na siya nakapasok sa trabaho ngunit nagpumilit siya kay Gabriel na kailangan niyang umuwi. Hindi ito pumayag noong una dahil gusto pa nitong makasama siya ng mas matagal sa condo nito. Mabuti nalang at napapayag niya ito. Dahil nangako siya na magkikita sila bukas pagkatapos ng kanyang trabaho. Hinatid siya nito sa apartment nila ngunit hindi na niya ito pinababa ng sasakyan. Hindi pa kasi siya handang ipagtapat ang tungkol sa kanilang anak. Hahanap muna siya ng magandang pagkakataon. Halos pugpugin naman nito ng halik ang buong mukha niya bago siya nito pinalabas ng sasakyan nito. Ramdam na ramdam talaga niyang gustong gusto parin siya ni Gabriel. Kaya naman masaya siyang umuwi sa k