END

1507 Words
NAKAPILA NA SA check-in counter si Tara ngunit wala pa ring tigil ang kanyang mga mata sa paghahanap sa isang partikular na tao nang mga sandaling iyon. Wala na sina Aminah at Rodgine dahil umalis na ang mga ito matapos siyang maihatid sa entrance ng airport. At mula nang sabihin ni Rodgine na ipinaalam nito kay Avex ang pag-alis niya ng bansa sa araw na iyon, hindi na napakali ang puso niya. She was hoping to get even a glimpse of him for the last time. Pangatlo na siya sa pila. Ngunit wala pa rin ni anino ni Avex. So this is goodbye then… Sorry, Avex. Sorry… She bit her lower lip to distract herself from shedding tears that has been threatening to ran down her cheeks for quite sometime now. Babalik ako. Babalikan kita kahit…kahit sa pagbabalik ko ay iba na ang ‘other minority’ sa buhay mo. Hindi naman ako manggugulo. Gaya ng dati, gaya ngayon…okay ng makita lang kita at malaman na ayos ka lang. May mga lovestory nga siguro na maganda lang ang kuwento pero wala namang happy ending. Pero importante pa ba kung masaya o hindi ang ending ng isang kuwento? Sa huli, ang mahalaga pa rin ay nagmahal ka at hindi ‘yung mga pangit na nangyari ang dapat mong iniipon at binabalik-balikan kundi ang mga panahon na naging masaya ka sa piling ng taong pinagkatiwalaan mo ng puso mo. Maiksi man ang panahon na mayroon siya kasama ng lalaking minahal niya, ayos lang. Avex made her feel the things she thought only existed on romance novels and romantic movies. She would forever be grateful for this one short love story she had. At wala siyang pagsisisihan na ibinigay niya rito ang puso niya. Kung darating pa ba ang pagkakataon na muli siyang magmamahal, hindi na niya alam. Sa ngayon, wala siyang ibang nararamdaman kundi ang pagmamahal na iyon para sa weird na lalaking nakilala niya isang umaga sa Hanoel Coffeeshop. “Tara!” Daig pa niya ang sinipa ng kabayo sa dibdib nang marinig ang boses na iyon. O nagha-hallucinate lang siya? Humakbang siya patungo sa counter dahil natapos na ang pangalawa sa sinusundan niya. Isa na lang at siya na ang magtse-check in— “Tara!” Lalong lumakas ang kaba sa kanyang dibdib nang muling marinig ang boses na iyon. Sigurado na siya ngayon. Si Avex iyon! Paglingon niya sa direksyon ng pinanggalingan ng boses ay kitang-kita niya ang mabilis na pagtakbo ni Avex palapit sa kanya habang sa likuran nito ay nakasunod ang ilang mga airport police. “Avex?” Hindi na siya nakakilos pa nang sa tuluyang paglapit ni Avex ay agad siya nitong siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Mabuti na lang at malakas ang balanse ni Avex kaya hindi sila natumba sa impact ng momentum ng pagtakbo nito sa kanya. But…the heck with the momentum! Avex’s heart-stopping, mind-blowing, knee-buckling deep searing kiss just took her breath away. And she doesn’t even mind. Hindi na niya sigurado kung gaano katagal ang halik na iyon. Basta ang alam niya ay habol na niya ang kanyang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi, habang nananatiling masuyong nakakulong ang kanyang mukha sa pagitan ng mga palad ni Avex. From time to time, he would again plant kisses on her lips that she couldn’t resist. “Tara, I love you.” It was just a mere whisper, but it seemed like a bomb just exploded beside her. “I’m sorry but I can’t let you go.” “Avex…” “Sinunod ko ang lahat ng gusto mo. Binura ko ang number mo sa cellphone ko, naghanap ako ng ibang inspirasyon, sinubukan kong huwag kang tingnan, pinilit kong kalimutan ang boses mo. Pero hindi ko kaya. Mababaliw ako kapag nagpatuloy ako kaya patawad kung hindi ko na matutupad ang lahat ng utos mong iyon. I can’t stop loving you, Tara. I really can’t. I’m sorry. Please forgive me.” Forgive him? For loving her this much? “Ano ba iyang sinasabi mo? Wala ka namang kasalanan.” “Kung ganon, hahayaan mo na akong mahalin ka?” “Avex, naman…” Tuluyan ng kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan, na agad ding pinalis ng mga daliri ni Avex. “Mahihirapan kang mahalin ako, dahil hindi ko pababayaan ang pamilya ko para lang sa iyo.” His answer was another lovely kiss. “Hindi ko aagawin ang pagmamahal mo para sa pamilya mo. Alam ko kung gaano ka-importante sa isang tao ang kanyang pamilya. Nang mawala si Mama dahil sa isang sakit, naramdaman ko kung paano maghangad ng pagmamahal ng isang pamilya. At lalo ko iyong napatunayan nang kupkupin ako ng pamilya ni Trax. They made me feel alive again with their love and care as they took me in to their family. Kaya huwag kang mag-alala, hinding-hindi kita pipigilan sa lahat ng gusto mong gawin para sa pamilya mo. Basta hayaan mo lang akong mahalin ka sa abot ng aking makakaya.” “Okay.” Mahigpit niya itong niyakap at pilit na ipinadama rito ang katugon ng nararamdaman nito para sa kanya. “I love you, too.” Avex hugged her back, gently, possessively. “Glad to hear that.” “Dalawang taon ang kontrata ko sa Australia. Mahihintay mo ba ako?” “Hindi na.” Nagulat siya sa narinig. Nasagot lang ang katanungan niya sa isip nang pakawalan siya ni Avex at ipakita nito sa kanya ang passport nito. “I’m going with you.” “Ha?” “Ihahatid kita sa Australia. May bahay kami roon ni Trax dahil suki na kaming mag-perform doon sa mga concerts na idinadaos namin. Huwag kang mag-alala, hindi kita iistorbohin sa trabaho mo. Mananatili lang ako roon ng ilang linggo para mag-practice sa concierto ni Claudio sa susunod na buwan.” “Pumayag na siya?” “I told him I won’t stop being the greatest musician in the world because I will never stop loving you.” Ano ba ang tamang isagot sa mga ganong klase ng pag-ibig? Wala siguro. Kaya iniangkla na lang niya ang kanyang mga braso sa leeg nito upang siya naman ang maggawad dito ng halik na, hopefully, ay magpaparating dito kung gaano niya itong mas minahal pa sa mga ginawa nito at gagawin pa para sa kanya. “E, excuse me lang, lovers. Pero kayo ba ay magtse-check in o hindi? Marami pa kasing nakapila,” pahayag ng check-in counter. Doon lang sila napalingon ni Avex sa mga tao sa paligid nila, na halos lahat ay nakatutok na sa kanya ang atensyon. Kahit ang mga pulis na humahabol kay Avex kanina ay tila hindi rin alam kung huhulihin pa ba ang binata o hahayaan na lang sa piling niya. Tinablan siya ng hiya kaya mabilis siyang kumawala kay Avex. Subalit hindi siya nito pinakawalan bagkus ay mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya bago hinarap ang mga pulis. “Pasensiya na. Kinailangan ko lang talagang habulin ang babaeng mahal ko. Naiintindihan naman ninyo ako, hindi ba?” Napabuntunghininga na lang at iiling-iling na napangiti ang pinakapinuno ng mga ito. “Basta sa susunod, huwag mo ng uulitin ang ginawa mong pagpasok dito ng hindi dumadaan sa inspection.” “Oo.” “Sige. Congratulations na rin.” Pag-alis ng mga airport police ay saka naman lumapit sa kanila ang mga kaibigan ni Avex. Hila ni Trax ang isang maleta. “Nakalimutan mo.” “Thanks.” “Tawagan mo rin sina Mama para ipaalam kung ano na ang nangyayari sa iyo.” “I will.” His other friends shook Avex’s hand, tapped his shoulders, messed up his hair, hugged him and pinched his cheeks. Pagkatapos ay siya naman ang binalingan ng mga ito. “Ingatan mo si Avex, ha? Nawawala pa naman iyan sa sarili niya paminsan-minsan.” “Magsuot ka rin ng pink na pantulog sa gabi. Para hindi ka niya aswangin.” “Pagbalik ninyo, magpapa-canton kami sa The Alcove. Sagot lahat ni Drake. Huwag nyo na lang nga muna sabihin sa kanya para surprise.”  “Sana makabalik kayo bago mag-eleksyon. Kailangan ko ang dagdag ninyong mga boto.” “I heard you’re friends with Rodgine now. Nagpalit na ba siya ng number?” Tawa na lang siya ng tawa sa pinagsasasabi ng mga ito. Hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataong magkomento o sumagot sa katanungan ng mga ito dahil hinila na siya ni Avex patungo sa check-in counter. “See you soon, guys,” paalam niya sa mga kaibigan ni Avex.  “And…thank you.” Kanya-kanya lang ng senyas ang mga ito bilang kasagutan sa sinabi niya. Habang sa isip niya ay nangangako siya sa mga ito na susuklian ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ng isa sa mga natatanging kaibigan ng mga ito.       THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD