CHAPTER 17

801 Words
“TAWAGAN MO NA SIYA! BILIS!” “Kapag iyon nakapasok na ng eroplano, lagot na tayo! Hindi na natin talaga siya maaabutan!” “Tawagan nyo uli si Rodgine at nang makausap na huwag na muna niyang hayaang makapasok ng departure area si Tara!” “Ako na ang tatawag—“ “Markus, huwag mo ng painitin ang ulo ni Rodgine ngayon at baka iligaw pa tayo ng babaeng iyon.” “She would never do that. Mahal ako nun.” “Si Tara ang dapat na tinatawagan ngayon! Avex, just call her damn number!” Iyon na nga ang ginagawa ni Avex kanina pa. Hindi nga lang niya magawa ng maayos dahil sa ingay at g**o ng mga kasama niyang nagsisiksikan sa sports car ni Dryden na dapat e pang-apatan lang. Mabuti na lang at nakababa ang hood ng kotse kaya nagkasya silang anim doon. Ang pobreng sasakyang iyon ni Dryden ang basta na lang nila sinampahan nang matanggap nila ang tawag kanina ni Rodgine na paalis na nga raw ng bansa si Tara nang araw na iyon. Mabuti na lang at magkakasama sila ng mga kaibigan niya habang dinudurog ng mga ito ang pagkatao niya sa hindi raw niya pakikipaglaban sa nararamdaman niya para sa dalaga. When he ran out after he heard that call, his friends followed him and hopped in the nearest car available in sight. “Hoy! Huwag kayong magulo riyan at baka masira ang upholstery ng baby ko!” saway ni Dryden sa kanila. “Huwag mo na kaming pakialaman dito at ‘yang pagmamaneho  mo na lang ang asikasuhin mo! Tingnan mo, maiipit na tayo sa trapik! Humanap ka ng ibang daan!” sigaw niya rito. “Bakit kasi itong kotse ko ang pinag-initan ninyong sakyan? Pinahihirapan ninyo ang baby ko! Ang bibigat ninyo, mga lintik kayo!” “Nanda kure?! What the hell is this?! Ang sikip! Ang ingay! Itta!” Itinulak niya ang mukha ni Keigo na istorbo na sa pagpindot niya sa numero ng kanyang cellphone. “s**t! I can’t remember her number!” “You what?” Pinitsarahan siya ni Trax. “You don’t have your girl’s number?” “How stupid can you get?!” singhal na rin sa kanya ni Dominic. “I have her number! Pero pinabura niya!” “At binura mo naman?” “Oo—“ “You idiot! Bakit ba kita naging kapatid?!” “Bakit hindi sinasagot ni Rodgine ko ang tawag ko?!” “Trapik! Trapik! s**t!” “Ibalik nyo ako ng Japan!” Balak na talaga niyang itapon ang cellphone niyang walang silbi at tumalon sa sports car oras na huminto iyon papakapal na trapik sa bandang unahan ng highway na iyon. Tatakbuhin na lang niya papuntang airport tutal malapit na rin naman. O kaya ay mang-hostage siya ng taxi at silawin ng pera ang driver para makarating siya agad ng aiport sa lalong madaling panahon. Nang mapansin niya tatlong hagad ng pulis na sumulpot sa harapan ng kotse nila. Hinawi niyon ang ibang mga sasakyan at gumawa ng daan kung saan agad na kinabig ni Dryden ang manibela ng sports car nito. Their car picked up speed. Sa likuran nila ay napansin niya ang isang itim na Pajero kung saan sumungaw ang mga nakangising mukha ni Emiru. “Hi, boys! I’m boy, too!” “Save me!” sigaw ni Keigo rito. Kilala niya ang sasakyang iyon. Kay Jamic. At malamang ay ang senador din na iyon ang may pakana ng mga hagad na umaalalay sa kanila ngayon. Jamic, I could kiss you for this! Tumunog ang cellphone niya. Numero lang ang lumitaw sa screen ngunit sinagot na rin niya. “Anyeong haseyo!” It was Chris. “I heard you don’t have Tara’s number.” “How did you…” Nilingon niya sa backseat si Trax na nakikipagbuno na rin kina Markus, Keigo at Dominic. Hawak nito ang nakabukas pa ring cellphone. “Go get a pen. I’ll dictate Tara’s number.” “I need a pen!” sigaw niya sa mga ito. “We don’t have a pen!” sigaw ding sagot ng mga ito sa kanya.  Sinenyasan niya ang mga nasa Pajero. Ilang sandali pa ay may ibinato na si Emiru sa direksyon nila. “Boys, catch!” No one caught it. Mabuti na lang at nakapasok na sila sa premises ng airport at ngayon ay iniinspeksyon na ng mga airport police ang kanilang sasakyan. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Tumalon na siya ng sasakyan saka mabilis na tinakbo ang airport. Pero naalarma yata ang mga pulis sa ginawa niya kaya agad din siyang hinabol ng mga ito. His friends cheered for him. Damn it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD