CHAPTER 16

904 Words
“HEY. NEED A RIDE?” Si Rodgine ang nakita ni Tara nakasungaw sa nakabukas na bintana ng sasakyang huminto sa tapat niya. “Don’t worry. Hindi ako ang nagmamaneho ngayon.” Itinuro nito ang babaeng nasa harapan ng manibela na nakangiting kumaway sa kanya. “Hi!” “This is Aminah. Kaibigan kong nagpapatunay na may himala.” “Sakay ka na.” “Naku, huwag na. Salamat na lang pero malayo-layo ang pupuntahan ko, eh. Maaabala lang kayo ng husto.” Dumako ang tingin ni Rodgine sa mga maleta niya. “Going somewhere?” “Oo. Ngayon ang flight ko for Australia. Doon na kasi ako magtatrabaho.” At hindi na siya nagpahatid sa kanyang pamilya sa airport para wala ng drama pang mangyari. Sigurado kasing bubuhos lang ang luha ng kanyang ina at kapatid kapag nakita ng mga ito ang pag-alis niya. Sa bahay pa nga lang nila kanina ay hindi na mapuknat ang pag-iyak ng kanyang ina. “Alam ba ni Avex na ngayon ang alis mo?” Despite the ache in her heart, she managed to give her a smile. “Walang dahilan para magpaalam ako sa kanya.” “Nag-away kayo?” Ngiti na lang uli ang isinagot niya nang may mamataan ng paparating na taxi at kinawayan iyon. Laking gulat niya nang lumabas ng sasakyan sina Rodgine at Aminah at pinagtulungang mailagay ang mga maleta niya sa trunk ng kotse ng mga ito. Pagkatapos ay hinila siya ni Rodgine saka ipinasok sa backseat. “Ihahatid ka na namin sa airport.” “Pero—“ “Wala ng pero-pero.” Pumasok na rin ng sasakyan ang mga ito. “Let’s go!” Wala na nga siyang nagawa kundi ang hayaan ang mga ito, tutal ay malilibre naman ang pamasahe niya. Ngunit mas ikinagulat niya nang marinig na may tinawagang kung sino si Rodgine. “Linsyak talagang kulugo iyon. Ayaw sagutin ang telepono niya.” “Si Raoul na lang ang tawagan mo,” wika ni Aminah. “Use my phone para sagutin niya agad kapag nakita niya ang pangalan kong tumatawag sa kanya.” “Pare-pareho talaga ang kumpol ng mga sira ulong iyon, ano? Pili lang ang tinatanggap na tawag.” “Tawagan mo si Markus. For sure, isang ring pa lang e sasagutin ka na niya agad.” “Sinong Markus?” halata ang pagsarkasmo sa boses ni Rodgine nang mag-dial ito ng numero sa cellphone ni Aminah. “Hello, Raoul. Babe mo’ng mukha mo. Si Rodgine ito. Kasama mo si Avex?” Pakiramdam niya ay tumalon sa labas ng bintana ang puso niya nang marinig ang pangalan ni Avex. Bakit hinahanap ni Rodgine ang lalaking iyon? Hindi naman siguro iniisip ng babaeng ito na ipakausap sa kanya si Avex… “Sabihin mo sa kanya, tama ng ka-emo-han niya. Ngayon na ang alis ng amore niya. Papunta na kamo kami sa airport at kung gusto niyang makita at makausap sa huling pagkakataon si Taranee, he better get his a*s to the airport in an hour. Okay? No. Hindi mo puwedeng kausapin si Aminah. Busy siya sa ibang lalaki…Alam mo naman palang loyal sa iyo ang misis mo, nagtatanong ka pa. Ewan ko sa iyo. Baduy.” Saglit na natahimik si Rodgine. “Markus mong mukha mo!” She then turned off the cellphone.   “Mahal na mahal ka talaga ng barkada nina Markus, ano? Lalo na ni Markus?” natatawang wika ni Aminah. “Isa ka pa. itatakwil kitang kaibigan kapag binanggit mo pa ang pangalan ng kurimaw na iyon.” “Why do you hate Markus so much?” “Pangit kasi siya.” Doon lang siya nito nilingon. “O, namumutla ka na riyan. Huwag kang mag-alala, hindi makakahabol si Avex.” “Ha? Pero…” “Gusto ko lang subukan kung gaano siyang ka-dedicated sa feelings niya sa iyo. Kahit asar ako sa mga kaibigan niya, idol ko pa rin ang isang iyon. Sila ng kapatid niyang si Trax. And knowing he finally found a girl he likes, I’m happy for him. Its about time he had a girl he could get serious with in his life.” “Ayoko na sana siyang makausap…” “Dahil baka magbago ang isip mong umalis? Bakit? Mahal mo siya?” Hindi siya nakaimik at pagkatapos ng ilang sandali ay marahan siyang tumango. “Syet…” sambit ni Aminah. “Ang sweet naman!” Pasimple itong pinalo ni Rodgine sa braso para tumahimik bago muling bumaling sa kanya. “Nasabi mo na ba iyon kay Avex?” “Bakit pa? Paalis na ako—“ “At papunta ng airport si Avex.” “Pero sinabi mong hindi siya makakahabol—“ “We’ll never know. Mabagal pa namang magmaneho itong si Aminah.” Napansin niya ang biglang pagbagal ng takbo ng sasakyan nila. “Rodgine, please. Baka maiwan ako ng flight ko.” “Give Avex a chance. At least let him know how you feel before you leave his heart broken.” “Hindi naman niya ako mahal.” Napatitig lang sa kanya si Rodgine. Mayamaya ay tila may kung ano itong na-realize at malakas itong napalatak. “He neve said that he loves you? Oh, that big idiot! Aminah, paspasan mo na papuntang airport. Tamang iwan na nga ni Taranee ang idiot na iyon dahil idiot naman siya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD